Misamis Oriental Journal (MOJ)

Misamis Oriental Journal (MOJ)
Misamis Oriental Journal (MOJ) is an independent website that shares daily blogs, delivers news reports, writes featured stories, introduces merchandises, tourist attraction, tourist destination, tourist spot and expresses opinions.

Monday, October 19, 2009

ANG PAG-IBIG


BY: FARHANA S. MALANGAS

Ito ay isang malalim na pagtingin sa isang tao. Minsan mahirap rin ang mapunta sa ganyang kalagayan, may mga taong nagiging masaya dahil dyan pero kadalasan lahat sila nasasaktan. Masakit yun, dahil minsan rin sa pagibig marami kang isasakripisyo at dahil dyan maraming pwedeng mawala sa iyo. Sa madaling salita, ang pagibig ay nasa dalawa lang, pwedeng lumigaya ka, pwede ring masaktan ka. Puso mo lang ang siyang makakapagdikta o siyang magsasabi kung sino ang karapat dapat mong mahalin. Pero nasa sa iyo yun kung sinong pipiliin mo.
Ang Pag-ibig? ito ay isang kakaibang damdamin... that will make you sacrifice for the one you really love. it must not be selfish... dapat, matutunan mong magparaya. Ang pagibig ay walang katumbas na salitang mapahahayag nito. at kung ayaw sayo ng lalake o babae pabayaan muna.. kung ayaw niya anu pa magagawa mu?wag ka maging tanga..!hayaan mu siya..mawawalan siya ng isang mahalagang taong kayang magsakripisyo sa pangalan ng pag ibig... isang araw babalik siya at malalaman niya kung gaano ka kahalaga nung nawala ka sa piling niya... kaya wag ka matakot babalik din siya o may papalit rin na mas karapat dapat para sayo na di ka sasaktan! at kasangga mo sa lahat kapag may problema ka..

Pulitika


By : Alvin C Diangkinay

Madami na akong blog na napuntahan o nabasa na may halong POV nila sa pulitika. hindi naman masama iyon para sa akin pero kung ako ang tatanungin kung mag-ba-blog ba ako ng tungkol sa pulitika, gobyerno at estado ng pamumuhay ng mga Filipino, ang sagot ko ay hindi! bakit pa? araw-araw nasa balita na yan. kaliwa't kanan ang awayan, siraan, demandahan, scandal, mahal na hapunan at kung anu-ano pa. bakit ko pa sila isasali sa blog ko? sabi nga, "hindi ako magba-blog ng makakasira sa bayan ko!" (wow!) hindi dahil masyado akong makabayan. wala lang akong interes sa kahit na anong tungkol sa kanila. masyado na ngang masalimuot ang buhay ko eh, dadagdagan ko pa ng ganun? di bale na. mas masaya kung masaya ang blog mo o kaya ang posts ay tungkol sa mga bagay na nakakatuwa. siguro mas mabuti pang paunlarin ko na lang ang buhay namin ng pamilya ko. mas magiging kapaki-pakinabang pa ang oras at pagod namin ni D. ayoko ng magulo at maingay. ayoko ng away. at kung gusto ko ng pagbabago, mas maiging simulan ko na lang sa sarili ko at sa pamilya ko. ika nga, huwag mong yakapin ang hindi mo kayang sakupin. masakit sa ulo ang sobrang concern sa lahat ng bagay. minsan labas na ito sa mga bagay na kaya mong kontrolin o hawakan. magsimula ka sa maliit. lalaki din yan. parang pagpapalaki ng anak, parang blog. dadating ang panahon, may mgababasa din nito. at maiintindihan ako.

Hagupit ng Bagyo

By: Exan Dumabilang Jr.
Ang Bagyo ondoy ay ito ang pinaka malakas na dumating na Bagyo dito sa Pilipinas ito ang isang karaniwang na umubos sa mga tahanan sa metro manila at sa iba pang lugar dito, naubos ang pananim dahil sa bagyong ondoy

Ang somunod naman ay ang bagyong Piping ito ay pinag handaan ng bawat pilipinodahil sa natikman na nila ang hagupit ng dumaang bagyo ondoy at ang mga pilipinong artista ay tumolong sa mga biktima ng bagyo.

Friday, October 16, 2009

Kabataan para sa Bayang Progresibo


Iba na raw ang moralidad ng kabataan ngayon. tatlo sa bawat sampung kabataan ay naniniwalang hindi mali ang paggamit ng ilegal na droga at pagtataksil sa kasintahan.
Apat sa sampu naman ang nagsasabing walang masama sa pagkuha ng isang bagay na hindi nagbabayad, pagbebenta at pamimili ng ilegal na droga, pagmamaneho ng lasing, suicide, hindi pagbabayad ng buwis, pagtataksil sa asawa, hindi pagpasok ng trabaho o paaralan, hazing, casual sex, paggamit ng dahas sa isang relasyon at pakikipagrelasyon sa taong may asawa.
Lima sa bawat sampu ang may paniniwalang hindi naman mali ang pre-marital sex at sex sa TV. Walo sa bawat sampu ang nagsasabing walang masama sa pagkakaroon ng mga patalastas tungkol sa birth control.
Pinakaliberal daw ang mga kabataan ng Mindanao. Pinakakonserbatibo naman ang mga kabataan ng Luzon.
Nagbabago ang moralidad ng kabataan; paano naman kaya ang aktitud ng kabataan sa pulitika? Saan pumapanig ang kabataan? Pero hindi pa nga kung saan pumapanig ang kabataan ang isyu eh. Ang tanong ng marami, nasaan na ang kabataan? Bakit hindi pumapanig ang kabataan sa mga isyung pampulitika?
Mahalaga ang impormasyon o edukasyon sa pagbabago ng pananaw ng kabataan. Nagiging liberal ang marami dahil tumataas din ang kaalaman ng mga kabataan. Ang mga mito, superstition ng matatanda ay unti-unting naisasantabi.
Pero kung totoo na namamayagpag ngayon ang tinatawag nilang “reality generation,” bakit kakaunti ang may interes sa pulitika? Pwedeng sabihin na informed at educated ang mga kabataan; pero sila ba, kayo ba ay empowered?
Suriin natin ang isyung ito sa isa pang perspektiba.
Malakas ang kultura ng indibidwalismo sa mga kabataan. Halos nawawala ang sense of collective solidarity. Masyadong nagpopokus sa kompetisyon imbes na bayanihan. Nawawasak ang mga panlipunang institusyon na nagbubuklod sa mga indibidwal.
Halimbawa, hiwa-hiwalay ang pamilyang Pilipino dahil ang mga nanay at tatay ay nangingibang-bayan. Karamihan sa mga kabataan ay hindi batid ang kahalagahan ng pag-uunyon. Palibhasa uso ngayon ang mga trabaho sa service sector tulad ng mga call center company na bawal ang pag-uunyon.
Sa paghina ng mga batayang institusyon tulad ng pamilya, unyon at kooperatiba, naaapektuhan din ang pulitikal na pananaw ng mga tao. Wala nang komunidad, mga indibidwal na lamang. Wala ng sama-samang pagkilos, sariling diskarte na lamang ang uso.
Pati ang teknolohiya ay naging kasangkapan para pahinain ang pulitikal na pakikisangkot ng kabataan. Makikinig na lang ako ng mga kanta sa aking ipod. Maglalaro ng portable PlayStation. Mag-i-Internet at pupuntahan ang Friendster. Ika nga nila, ito ay MySpace.

“Nakaka apekto ba ang Pag-Ibig sa Pag-aaral”


Bilang estudyante, Naranasan ko ang pagiging seryoso sa pag-aaral at maging baliw sa pag-ibig. Napatanong ako sa sarili ko kong makaka-apekto ba ang pag-ibig sa pag-aaral. Sa narinig ko sa aking mga magulan, ang sabi nila ay huwag pumasok sa pag-ibig dahil ito’y nakakasira at nakakadisturbo sa pag-aaral. Napa isip ako nang malalim, inihambing ko ang aking karanasan sa pag-ibig. Noong umibig ako ay hindi naman nakaka-apekto abg pag-ibig sa aking pag aaral. Inisip ko na mali ang mga sinasabi nang aking magulang sa akin, dahil hindi naman humantong sa akin ang mga sinabi nila.

Nang nag kulehiyo sa AMA Computer College. Mas naging seryuso at naging interesado ako sa pag aaral ng naranasan ko ang pagtatrabaho na hindi sinosuportahan ng aking magulang. Naliwanagan ang isip ko na mahirap pala mamuhay ng mag-isa at mag sariling sikap. Kayat pinuporsigi ko ang sarili ko para makatapos. Pero sa pagpuporsigi ko ay hindi ko maiwasan na umibig. Dito ko nalaman na tama pala ang sinabi nila na may epekto din ang pag-ibig sa pag-aaral kapag ang nararamdaman mo na sa kanya ay hindi maipaliwanag. Pero sa tingin ko,, Ito’y pansamantala lamang, dahil di katagalan ay maipantay ko rin ang pag-aaral at pag-ibig.
Sinulat ko ito upang may ma e pasa ako sa guro namin at para din maibahagi ko ang aking karanasan. Sana ay magustohan at mahalintulad ninyo ang mga karanasan nag inyong pag-aaral kasabay ang pag-ibig.

Ibang Paraan Para Paglutas sa Problema

By: Cris Nagandang

Bawat tao ay nakakaranas ng problema. Problema sa pamilya, pag-aaral, pera, at pati na rin pag-ibig. Maraming tao ang nagpakamatay dahil hindi nila kinaya ang kanilang problema. Pakamatay ba ang solusyon sa problema na ating dinadanas? Iba-iba ang paraan ng paglutas sa problema. Ang iba ay binabahagi nila ito sa kanilang mga kaibigan para mabawas-bawasan ang kanilang mabigat na dinala, iba naman ay humanap ng solusyon sa mga problema nila at marami pang iba.

Ibahin niyo ang paraang ito dahil paglalaro ng kompyuter ang ginagamit na paraan upang makalimutan niya ang kanyang problema. May kakilala akong isang kaibigan na pagkokompyuter ang tanging paraan sa paglutas nang problema noong nakaranas siya ng hiwalayan sa kanyang katangi-tanging minamahal. Inaaliw ang sarili sa paglalaro ng kompyuter kasabay ang mga kaibigan nito. Nakakalimutan niya ang sakit na nararamdaman tuwing pumupunta ito sa kanyang tambayan walang iba kundi and Internet Cafe. Ang tanging nasa isip nito ay ang kanyang nilalaro o pagtitingin sa facebook, multiply, friendster at flixter. Sabi niya "Para akong nag-iisa kapag ang nasa harap ako ng kompyter. Hindi ko napapansin na nalipasan na pala ako ng gutom at unti-unting nauubus ang pera ko". Ito ang kanyang paraan upang di niya maisip ang mga sakit at puot na nararamdaman nung nagkahiwalayan sila ng kanyang minamahal. Kayo? Ano ang inyong paraan sa mga problema na dinadanas niyo. Ibahagi niyo rin ang mga paraan niyo dahil iba-iba ang paraan ng bawat tao sa paglutas ng problema.

MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA



By: Melvin Q. Niño



Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin na makapagsalita sa inyong lahat. Ang ibabahagi ko sa inyo bilang isang estudyante ay kung paano naging matatag ang isang bansa kahit may iba’t ibang wikang ginagamit nito lalo na sa bansang Pilipinas.


Mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang linggwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang linggwa prangka.


May mga programa’t proyektong na naglalayon na makamit ang sumusunod na pagbabago sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa multilinggwalismo. Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika sapagkat “alam na natin ito.” Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa.


Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay, ay hindi nalingid sa mga gumawa ng mga probisyong pangwika sa ating konstitusyon. Nanalig sila na habang nalilinang, ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Idineklara din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nila kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino.


Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong Amerikano, isang American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon.

Niño

PANGARAP


By: Jeveralyn S. Calimas

Noong labing anim gulang ako,may pangarap akong gustong matupad sa buhay ko at yon ay makapag-aral ng kolehiyo.Kasi alam komg maliit lang ang kinikita ng mga magulang ko,kulang lang sa aming mga magkakapatid.Anim kaming mga magkakapatid..Sa taon na yon apat kaming nag-aaral at dalawa yong wala.Alam kong hindi ako makapag-aral kung,umaasa lang ako sa aking mga magulang.Pero hindi ako nawalan ng pag-asa na makapag-arl ng kolehiyo

Isa akong probinsyana na babae mga magulang ko pinapagalitan kami pag-matagal makauwi sa bahay,kinakailangan kasi alas singko ng hapon nanjan na kami sa bahay,at hindi pwede makapag-syota ng maaga dahil yon sa pagmamahal at pangarap ng mga magulang ko.Kaya pinapunta kami sa kanyang kapatid sa Butuan.Don parang nagsimula ang mga pangarap ko. Kahit naging katulong ako sa loob ng isang taon at walong buwan.Mahirap man ay tiniis ko para lang matupad yong mag pangarap ko sa aking buhay at sa aking pamily.Pero hindi lang isa ang naging amo ko,dahil gusto kong makapag-aral ng kolehiyo.Mahal ako ng unang amo ko kahit umuwi ako ng 11:00 ng gabi.


Umalis ako sa una kong amo at nakonsensya ako dahil ang bait nila sa akin.Dahil kasi yon sa mga pangarap ko sa buhay ko at sa pamilya ko.Naging katulong ulit ako.At yon ay hindi alam ng una kong amo.Ng nalaman nila,tinawagan nila agad ako at yon kung gusto ko bang mag-aral na kolehiyo.Alam kasi nilang gusto kung makapag-aral ng kolehiyo.Masayang-masaya ako sa oras na yon.Dahil sa halip ng paghihirap ko ay may mga tao ring handang tumulong sa'yo.Ni kailan man hindi ako nawalan ng pag-asa na makag-aral sa kolehiyo dahil alam kong may tumulong din sa akin. Oo, umalis ako sa pangalawang amo ko dahil yon sa aking PANGARAP sa aking buhay at pamilya. Kaya't nandito ako kasama ang mga bago kong kaibigan at natuto akong tumindig sa sarili kong mga paa.Dahil yon sa PANGARAP ko sa buhay.

Thursday, October 15, 2009

KABATAAN NOON, KABATAAN NGAYON


By:Kristine Tirado

Ayon kay ga’t Jose Rizal at sa pinaniniwalan natin “ang kabatan ay pag-asa ng bayan”.eeehhh….uso pa ba yan ngayon?talagang malaki ang diperensya, sabi ng nakakatanda, iba na talaga ang mga kabataan ngayon kaysa noon, noon daw kasi ang mga kabataan ang mga konseratibo, wala ng kabataan gumagala sa daan pag gabi, tumutulong sa magulang sa gawaing bahay, kung lumalabas naman ay may limitasyom, at hinda magpapagabi ng uwi, pagkagaling naman sa skwela uwi aga sa bahay, hindi rin uso noon ang pakikipagnobyo kung hindi pa dise utso at king maagka nobyo man, ay dapat pumupunta sa bahay ang lalaki at mangligaw ng maayos at magpaalam ng mabuti sa mga magulang ng liniligawan. Walang lasingan, bisyo at yung tinatawag natin ngayong “night life”, bihira lang ang pumupunta ng disco, nakikipagdate sa nobyo noon, kadalasan yun ng mga taong may propisyon at pampalipas lang ng kanilang oras.

Iba na kasi ngayon, ang kabataan ngayon, high school palang ay may nobyo na, marunong ng uminom, nakikipagsabayan sa barkada umaga’t gabi, minsan ay hindi pa umuuwi sa bahay dahil nakikipagsabayan sa mga kaibigan, marami na rin mga kabataan ngayon na makikita nating gumagala sa gabi, nasa sa disci bar, inuman at nagsisigarilyo pa. Talaga bang ganyan na ang mga kabataan ngayon? Bakit sila nagkaka ganito? Marahil dahil na rin ito sa impluwensya ng media, teknolohiya na makikita natin ngayon. Marami na kasing kumakalat ngayon sa Internet, na kahit alam nlia na maling mali ito. Isa na rin ang telebisyon ang nakaka sira o nakaka impluwensya sa mga kabataan sa mga lumalabas o pinapanood nila “curiousity” kasi ang umiiral sa utak ng kabataan kaya gusto nila itong subukan at nakakalimutan na nila kung ano ang magiging epekto nito sa buhahy nila at sa magulang na pilit umiintindi sa kanilang anak.
Hindi naman siguro tayo bulag at bingi kung ano ang nang yayari sa mga kabataan ngayon, marami tayon nakikitang mga babae na nagbubuntis na walang ama, mga kabataang lulung sa droga at palaboy-laboy sa kalye. Ito ba ang maituturo natin sa mga kabataan sa susunod na henerasyon? Ganito bang buhay ang gusto nating mangyai sa kanila? Saan na ang sinasabi ni Dr. Jose Rizal na tayo ang pag-asa ng bayan? Kumilos tayo mga kabataan, huwag natin hayaang mangyari na sa susunod na henerasyonay lalong lumala ang nangyari sa ating henerasyon ngayon, hindi man tayo makapangyarihan para mapigilan natin ang gusto ng tao, Malaya naman tayong humiling sa panginoon na maliwanagan an gating loob na gumawa ng mabuti kaysa sa masama at makapagdudulot pa ng problema sa bansa. Ipaglaban natin an ksabihang…….

ANG KABATAAN AY PAG-ASA NG BAYAN

Ang pag-aaral sa Kolehiyo


Ang pag-aaral sa kolehiyo ay hindi isang biro. Ito ay isang malaking hamon na haharapin ng isang estudyante sapagkat dito nakasasalay ang kanyang kinabukasan. Ang kolehiyo kumbaga sa Ingles ay isang “Training Ground” ng isang mag-aaral kung saan dito hinahasa ang abilidad na magawa ang mga kailangang gawin sa pagtatrabaho sa hinaharap. Dito sinusukat ang katatagan ng isang indibidwal na gumawa ng isang bagay na noo’y inakalang hindi kayang gampanan. Sa ganitong paraan, maipapamalas ang talino, husay at pagiging ganap na mag-aaral sa lahat ng aspeto ng buhay.

Wednesday, October 14, 2009

Pagsusunog ng Kilay: Sineseryoso mo ba?


By: Hilbert R. Rafisura

Ano ang pagsusunog ng kilay? Hindi naman literal na susunugin natin an gating mga kilay kung hindi ang pagpupursige natin na makakuha ng mataas na marka kung kaya ang iba napipilitang magpuyat para pagkagising nila kinbukasan kung may exam man ay hindi sila mahihirapan.

Mahalaga sa ating mga tao lalung-lalo na sa ating mga estudyante ang pagkakaroon ng mataas na marka dahil dito madalas tinitignan kung papasa ba tayo o hindi, pati ibang mga unibersidad ay ditto kumukuha ng basehan kung tatangapin nila ang isang estuyante o hindi sa kanilang paaralan.

Siguro kaya nahihirapan ang iba ay dahil mabababa ang kanilang mga marka, At ang iba ay may mga "Grade Requirements" . Subalit hindi naman lahat ng estudyante ay mahilig at masipag magaral. Ang Pagpupuyat ay ang sinasabing pinakamabisang paraan kung pano makakakuha ang mga estudyante ng mataas na marka. Ang iba ay nagpupuyat hindi dahil sa pagaaral kundi dahil sa ibang bagy na maaaring ikasira sa atin.Ang iba pa ngang mga trabaho ay tumitingin kung matataas ang grado ng kanilang mga aplicante ng sag anon hindi masira ang klanilang bnegosyo. Ang mga estudyanteng walang hilig sa pag-aaral ay kadalasang bagsak ang mga grado at walang magandang patutunguhan ang buhay.

Makulay Ang Buhay


By: Rich Pearl Marba


Buhay ko, buhay mo, buhay nating lahat. Iba-iba man ang uri ng buhay ng tao, iba-iba ang ugali nito, pagbali-baliktarin man ang mundo, hinding-hindi magbabago, makulay ang buhay ng bawat tao.

Ang buhay ay parang nobela, binnubuo ng mga kabanata. Bawat kabanata ay may ibat-ibang pangyayari. Mga pangyayaring maaaring positibi o negatibo. Kung may lungkot, may ligaya. Kung may dilim, mayroong ding liwanag at kung may pagsubok, bukas o makalawa may nakalaang pag-asa.

Minsan ang buhay ay nakakalito, minsan hindi mo maintindihan, at kung minsan sa buhay ng isang tao, darating ang mga pagkakataong kailangan mong magdesisyon sa isang komplekadong sitwasyon. Nasubukan mo na bayun? Isang sitwasyon na hindi mo alam kung ano ang maidudulot pagkatapos. Maaring tama ang naging desisyon mo o pagsisisihan mo ito. Kung darating ang mga pagkakataong ito sa buhay mo, ano ang gagawin mo? Ano kaya ang mangyayari sa mundong ginagalawan mo at sa mga taong nakapaligid sayo? Maging ano man ang desisyon mo, huwag mo sanang kalimutan na ang lahat ng ito ay parte lamang ng buhay mo. Makulay parin ang buhay ng bawat nilalang sa mundo.

Ano man ang kulay ng buhay mo, lahat ng ito ay dahil at naaayon sa Kanya. Huwag mo gawing hadlang ang kabiguan para ipagpatuloy ang buhay, sa halip magsilbi sana itong inspirasyon para harapin ang panibagong bukas. May dalawang panahon ang umiiral sa ating buhay, ang dilim ng buwan kinagabihan at ang liwanag ng araw kinabukasan. Huwag mong sayangin ang oras mo sa iisang panahon lamang, danasin mo ang liwanag ng iyong buhay. Bangon kaibigan! Kapit! Kaya mo yan!

Makulay ang iyong buhay!