By: Rich Pearl Marba
Buhay ko, buhay mo, buhay nating lahat. Iba-iba man ang uri ng buhay ng tao, iba-iba ang ugali nito, pagbali-baliktarin man ang mundo, hinding-hindi magbabago, makulay ang buhay ng bawat tao.
Ang buhay ay parang nobela, binnubuo ng mga kabanata. Bawat kabanata ay may ibat-ibang pangyayari. Mga pangyayaring maaaring positibi o negatibo. Kung may lungkot, may ligaya. Kung may dilim, mayroong ding liwanag at kung may pagsubok, bukas o makalawa may nakalaang pag-asa.
Minsan ang buhay ay nakakalito, minsan hindi mo maintindihan, at kung minsan sa buhay ng isang tao, darating ang mga pagkakataong kailangan mong magdesisyon sa isang komplekadong sitwasyon. Nasubukan mo na ba ‘yun? Isang sitwasyon na hindi mo alam kung ano ang maidudulot pagkatapos. Maaring tama ang naging desisyon mo o pagsisisihan mo ito. Kung darating ang mga pagkakataong ito sa buhay mo, ano ang gagawin mo? Ano kaya ang mangyayari sa mundong ginagalawan mo at sa mga taong nakapaligid sayo? Maging ano man ang desisyon mo, huwag mo sanang kalimutan na ang lahat ng ito ay parte lamang ng buhay mo. Makulay parin ang buhay ng bawat nilalang sa mundo.
Ano man ang kulay ng buhay mo, lahat ng ito ay dahil at naaayon sa Kanya. Huwag mo gawing hadlang ang kabiguan para ipagpatuloy ang buhay, sa halip magsilbi sana itong inspirasyon para harapin ang panibagong bukas. May dalawang panahon ang umiiral sa ating buhay, ang dilim ng buwan kinagabihan at ang liwanag ng araw kinabukasan. Huwag mong sayangin ang oras mo sa iisang panahon lamang, danasin mo ang liwanag ng iyong buhay. Bangon kaibigan! Kapit! Kaya mo ‘yan!
Makulay ang iyong buhay!
No comments:
Post a Comment