
By: Emmanuel S. Emanel
Kailan mo naisip ang kahalagahan ng mga wika dito sa Pilipinas? Tuwing Agosto lang ba? Ginagamit mo ba ang mga wikang ito ng umunlad ang Pilipinas o ginagamit mo ito sa masasamang bagay? Tinatangkilik mo ba ito o ibinabasura mo lang? Iyan ang mga tanong na madalas na bumabagabag sa akin. Pero importante ba talaga ang mga wika sa Pilipinas?
Kung ako ang iyong tatanungin, napakahalaga ng wika natin dito sa Pilipinas dahil ang isang bansa ay uunlad lamang sa sarili nitong wika. Hindi totoo ang sabi ng iba kong kaklase na ang wikang Ingles ang mas importante kaysa sa wikang ating ginagamit. Totoo na importante ang Ingles pero isipin mo na lang ang pagkarami-raming Pilipino na di-marunong mag-Ingles. Paano na kung mapadpad ka sa ibang lugar sa Pilipinas ngunit di ka marunong kahit man lang ang wikang Filipino? Ganyan kaimportante ang mga wika natin.
Ang ibig sabihin ng tema na “Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay Buwan ng mga Wika”” ay nagsasabing hindi lang ang Wikang Filipino ang ipinagdiriwang tuwing Agosto kundi pati rin ang ibang mga wika o dyalekto rito sa Pilipinas. Mga halimbawa nito ay Tagalog, Bisaya, Kapampangan at iba pa. Ibig sabihin din nito na hindi lamang ang Filipino ang tinatangkilik natin kundi ang iba pa nating wika sa Pilipinas. Nangangahulugan din ito na huwag nating ikahiya ang ating mga wika. Dapat pa nga natin itong ipagmalaki.
yo
ReplyDelete